Ano nga ba ang pakiramdam kapag nakakatulong ka sa kapwa mo? Meron ka bang nararamdaman? Madalas ka bang tumutulong sa kapwa mo?
Ako, madalang lang ako tumulong sa kapwa ko. Tutulong lang ako kung mukhang mapapagkatiwalaan yung tutulungan ko o yung talagang nakaka-awa na. Hehe. Pwede nyong sabihin na namimili ako ng tutulungan pero yun talaga ang totoo eh.
Pero alam ko sa sarili ko na talagang kakaiba ang fulfillment na nararamdaman pag nakakatulong. Masasabi kong kakaiba talaga. Yung para bang hindi mo matanggal yung ngiti sa mga labi mo. Ang drama no? Pero yan talaga naramdaman ko e.
Minsan lang talaga kong tumulong, madalas kung magbibigay man ako sa mga namamalimos sa kalye pero hanggang limang piso lang. Ang barat di ba? Pero minsan nung tumulong ako kasama ko si boyfriend. May nakita kami na mag-asawa na talagang mukhang lumong lumo. Nangunguha sila ng mga basura at napaka pamilyar ng mukha nila sa'kin. Nung mga oras na yun naglalakad na kami pauwi, nung makita namin sila na nasa may lilim at malalim na nag-iisip. Narinig namin ng di sinasadya na kulang yung nakuha nilang basura at hindi ito kasya na pambili ng pagkain at pamasahe pauwi. Nagkatinginan kami ni Richard, nung una parang wala lang sakin. Nung medyo nakalayo na kami sinabi sa kin ni Richard kung ano ang nasa isip nya. Nung una talagang nagdadalawang isip ako. Pero naisip ko na din na mahirap nga yung ganung kalagayan. Kaya we both decided na balikan sila at tulungan.
Pagbalik namin nakita pa rin namin sila sa ganung sitwasyon, nag-iisip, nakakunot ang noo at pawisan. Nilapitan namin sila at tinanong kung ano ang problem. Nung una nahiya sila magsalita pero dahil sa pangangailangan nagsalita din sila at sinabi ang kanilang problema. Kulang daw ang pera nila na pamasahe pauwi. Tinanong namin kung taga-saan sila at kung magkano ang pamasahe nila. Inabutan namin sila ng sapat na halaga para makauwi at nawala na din ang kanilang pag-aalala.
Masaya kaming umuwi dahil alam namin na kahit sa konting sandali ay naging mabuting samaritano kami. Masarap talagang makatulong.
Kung kayo ang nasa ganung sitwasyon at may maririnig o makikita kayong tulad nila ano ang gagawin niyo?
This entry was posted
on Thursday, May 21, 2009
at Thursday, May 21, 2009
and is filed under
Day By Day,
Mga Kwento
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.
Blog Archive
- June 2012 (1)
- February 2011 (2)
- July 2010 (1)
- September 2009 (3)
- August 2009 (14)
- July 2009 (4)
- June 2009 (5)
- May 2009 (8)
- September 2008 (27)