Kanina habang nakasakay ako ng bus pauwi, may nakita akong mag-ama na nakasakay sa bus papuntang San Carlos, umiiyak sila pareho. Na-curious ako kasi ok lng siguro na may makikita ako na batang babae na umiiyak habang nasa bus. Pero yung makikita mo sila pareho na umiiyak nakakapagtaka di ba?
Ewan ko ba, pero talagang napa-isip ako nung nakita ko sila. Kasi madalang ka naman makakakita ng Tatay na umiiyak di ba?.
Ang daming pumasok sa isip ko nung time na 'yun.
Puwede natin sabihin na baka namatayan sila. Pero mukang malabo naman kasi nakasakay sila ng bus eh.
Puwede din sabihin na pinilit lang sila umalis, na di naman talaga nila gustong umalis pero napilitan sila.
O baka naman may naiwan sila na isang importanteng tao na ayaw naman talaga nila iwan pero wala silang magawa kundi ang umalis na lang.
Nalungkot talaga ko nang sobra. Hanggang makalayo ung bus iniisip ko pa din sila.
Hay, kayo kaya? kung makakakita kayo ng ganun ano kaya mararamdaman niyo?
This entry was posted
on Thursday, May 14, 2009
at Thursday, May 14, 2009
and is filed under
story
. You can follow any responses to this entry through the
comments feed
.
Blog Archive
- June 2012 (1)
- February 2011 (2)
- July 2010 (1)
- September 2009 (3)
- August 2009 (14)
- July 2009 (4)
- June 2009 (5)
- May 2009 (8)
- September 2008 (27)