ref link

Pre-Medical Examination  

Posted by Grace Labado-Orzal in

Pre-Medical Examination<br />Nakakatakot mag pa medical pag di mo pa natatry di ba? O ako lang talaga ang duwag?

Ewan ko ba kung bakit duwag ako pagdating sa ganto. Hehe. Nakakatakot naman talaga isipin na tutusukin ka ng karayom tapos kukuha pa sayo ng maraming dugo. Kahit na ba makakabuti yun sa katawan natin, katakot pa din di ba?

Kahapon nagpunta ako sa Friendly Care Clinic for my Pre-Emplyment Medical Exam pagpasok ko pa lang sa clinic talagang kinakabahan na ko. Tapos nag fill-up ako ng form tapos tinanong ko yung guard. Tinanong ko siya kung magkano ang gagastusin ko sa Pre Medical Exam na yun. Sabi ng guard wala daw akong babayaran kasi sagot daw ng company yun (TeleTech). Kaya kahit papaano nabawasan yung pangamba ko. Pero talagang kabang kaba pa din ako.

Nag-umpisa ng tawagin ang mga pangalan ng mga pasyente. May nakausap ako na mga nakapasa din sa TeleTech. Nauna tinawag yung lalaki tapos paglabas niya.Hala! may bulak sya sa may braso tapos tinanong ko siya para saan yun, sabi niya sa CBC daw ang dami nga daw na dugo na kinuha sa kanya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Hindi naman ako takot sa Doctor o sa karayom pero talagang duwag lang talaga ako pag di ko pa natatry yung isang bagay. Hindi ako ganun ka-adventurous. Hehe. Naghintay pa ko ng medyo matagal tapos tinawag din ang pangalan ko sa wakas!. Pag puntako sa Nurse Station kinuha ng isang Nurse dun yung BP ko tapos yung weight at ung height ko. Kahit papano maganda yung resulta kasi ung BP ko 100/70 siguro dahil kinakabahan ako. Tapos ung weight ko e 52 kilos na lang dati 56 kilos ako. Pumayat ako???

Pagkatapos nun diretso ako sa Laboratory for my CBC and Urinalysis. Sadly, di ako makapag Urinalysis because of my monthly period so I need
to go back next week para ma-accomplish ko lahat. Nung tinawag na ko for CBC kabado ako. Tiningnan ko kung gaano kalaki yung karayom na gagamitin. Nakahinga ako ng maluwag kasi maliit lang naman pala. Tinalian na yung braso ko para makita yung ugat na kukuhaan ng dugo. Hindi ako tumitingin nung ginagawa yun. Naramdaman ko na pinahiran ng alcohol yung braso ko tapos dapat daw isara ko yung kamay ko. Tinanong ko pa yung Nurse, "dapat po ba mahigpit yung pagsara ko ng kamay ko o dapat relax lang?". Natawa yung Nurse sa tanong ko pero seryoso ako nun ha. Sabi ng Nurse relax lang daw. Ok relax lang, tumingin ulit ako sa pinto at di ko tiningnan kung saan niya ako tutusukin. Sinabi na lang sakin ng Nurse na ok na. Pagtingin ko may bulak na nakadikit sa braso ko. Nasabi ko sa sarili ko na di naman pala talaga masakit kasi wala akong naramdaman. Hehe.

Next stop, sa Fam. Med. naman, for Physical Examination. I forgot the name of the doctor but I think he is so nice. Hehe, he asked several questions lang tapos tiningnan niya kung may kulani ako, kung may manas ako at kung ano ano pa. Yung about sa height at weight ko naman natuwa ako kasi ang result dun SLIM ako!.. Hehe, di ako makapaniwala! Pagkatapos ng test NORMAL naman daw ako.

Naghintay pa ko ng konti para sa X-Ray at mamaya mag papa Drug test naman ako. Kapagod pero sulit naman. Natapos ko lahat ng test at nalaman ko na NORMAL ako. Hehe

Kaya dapat talaga wag tayo matakot na magpadoctor. Hehe

This entry was posted on Thursday, May 21, 2009 at Thursday, May 21, 2009 and is filed under . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment