ref link

Resibo sa Jeepney.. Ano ang masasabi niyo?  

Posted by Grace Labado-Orzal in ,


Balitang balita kahapon na balak ng LTFRB na magbigay ng resibo ang jeepney. Ano ang masasabi niyo dito?

Kung ako ang tatanungin niyo, palagay ko hindi na dapat pa na magbigay ng resibo ang mga driver ng jeepney. Kung iisipin napakalaking abala nito sa kanila. Hindi naman kasi yan tulad ng mga bus na may konduktor. Pwede ninyong sabihin na may mga backride naman sila. Pero sapalagay niyo makatarungan sa kanila yan?

Nagre-renew naman sila taon taon so ibig sabihin nagbabayad pa din sila ng buwis kahit papaano di ba? Tsaka aanhin ba ng pamahalaan ang napakaraming buwis? Para gastusin ito sa pagkain nila sa tuwing nasa ibang bansa sila? Para makapunta sila sa iba't ibang bansa? Para i-provide sila ng mamahaling sasakyan? Para ba talaga ito sa bayan o para lang sa pansariling kapakanan?

Hay, napakarami nga talagang problema ng bansa mula Luzon, Visayas at Mindanao. Sana naman huwag lang ang mga motorista ang pag-initan nila ng ganyan.

Sana mag-isip sila kung ano pa ba ang makakatulong sa bansa natin.

This entry was posted on Tuesday, August 18, 2009 at Tuesday, August 18, 2009 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment