ref link

Influenza A(H1N1) - Lalong Lumalala  

Posted by Grace Labado-Orzal in ,

Influenza A(H1N1) - Lalong Lumalala
Influenza A(H1N1) masyado nang malala ang sakit na ito. Talagang lumalawak na ang lugar na nagkakaroon ng ganitong sakit at parami pa ng parami at umabot na ito hanggang dito sa Metro Manila.

Nabalitang may parte ng Makati na meron na ding Influenza A(H1N1). Nakakakaba lang kasi kahit malakas yung resistensya mo di mo pa din masasabi kasi hindi natin alam kung kanino dadapo ang sakit na ito. To think na, napakahirap ng buhay ngayon kaya lahat ng tao talagang nag-iingat.

Ang mas lalong nakakatakot e magagawa mong makahawa ng ibang tao na makakasalamuha mo. Lalong mahirap kung may mga kapatid ka na maliliit na mahina ang resistensya na talagang madaling maaapektuhan ng nasabing sakit.

Ang mga sintomas ng sakit na ito ay mataas na lagnat, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan, sakit ng katawan at ulo, panlalamig, pagkaramdam ng sobrang pagod, pagtatae at pagsusuka. Ang iba pang sintomas ay pneumonia at respiratory failure kapag sobrang lala na nang sakit mo. Kaya kung makakaramdam kayo ng ganyan iquarantine niyo na sarili niyo para hindi na kayo makahawa.

Paano nga ba kumakalat ang sakit na ito?

Ang Influenza A(H1N1) ay kumakalat sa mga taong nakakasalamuha ng taong may A(H1N1). Nakakahawa ang taong may swine flu sa unang araw hanggang sa ika-pitong araw ng pagkakasakit ng Influenza A(H1N1). Ang talsik ng laway, ubo o pagsinga ay maaring magkalat din ng mikrobyo o virus sa iba't ibang lugar o gamit tulad ng doorknob, baso, lababo at iba pang bagay pero ang nasabing virus ay hidi tumatagal at mawawala din pag kalipas ng ilang oras. Maari rin mag take o uminom ng gamot upang madaling gumaling sa sakit na ito ang mga gamot na maaring inumin ay Tamiflu at Relenza.

Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, mahirap talagang magkasakit kaya dapat talaga na alagaan natin ang ating sarili at kung pakiramdam niyo ay nasa inyo ang mga sintomas na ito umpisahan na itong gamutin at huwag nang hayaan na makahawa pa. Huwag ng pumunta sa mataong lugar upang maiwasan kumalat oa ang nasabing sakit. Lalo na sa mga kabataan.

This entry was posted on Friday, June 19, 2009 at Friday, June 19, 2009 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment