ref link

Acts 2:38  

Posted by Grace Labado-Orzal in ,

Acts 2: 38
Peter replied, "Repent and be baptized, every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins. And you will receive the gift of the Holy Spirit.
Nagtataka siguro kayo bakit ko pinost yung bible verse na ito.

Sunday kasi ngayon and Sunday is church day and it's Our Heavenly Father's day. It's time to visit the church and here some gospel.

Nung pagdating namin sa church kanina, sacrament is already starting at yung last speaker may maiksing kwento na nai-share. Here's the story:

May isang lalake na hoholdapin at nanakawan sana ang isang matanda. Kumatok siya at pagbukas niya ng pinto nag-declare siya na holdap yun. Nagulat ang matanda at ang nasabi na lang ng matanda "Acts 2:38".

Nagulat ang lalake sa sinabi ng matanda, pero nagpakatapang ang lalakeng holdaper. Inilabas niya ang dala niyang kutsilyo at sinabi niya ulit na holdaper siya. At muli, sinabi ng matanda "Acts 2:38". Natakot na talaga ang lalake at napahinto siya at di makagalaw sa kinatatayuan niya. Dahil sa naging reaksiyon ng lalake nagawang tumawag ng matanda ng pulis.

Pagdating ng mga pulis tinanong nila ang lalake, bakit di siya nakagalaw? e sinabihan lang siya ng bible verse ng matanda. Sabi ng lalakeng holdaper, "Anong bible verse? e ang sabi ng matanda may itak daw sya at 2 baril na 38!"

Dahil sa bible verse na yan naligtas ang matanda laban sa holdaper at nahuli ang lalakeng holdaper.

Na-realize ko after ko marinig yung kwento na yan na joke pala yan?! Nakakatuwa din kasi talagang nakatulong ung bible verse na yan sa matanda.

Talagang masasabi ko na alam ko na totoo yung mga nakasulat sa bible at talagang matutulungan tayo nito sa oras ng pangangailangan.

This entry was posted on Sunday, May 24, 2009 at Sunday, May 24, 2009 and is filed under , . You can follow any responses to this entry through the comments feed .

0 comments

Post a Comment