Masasabing grabe talaga ang nangyari noong nakaraang sabado at linggo ika-26 at 27 ng Setyembre 2009. Magdamag na nag-uulan noong gabi ng Sabado, ika-26 ng Setyembre. Sinasabing noong araw na yun umulan ng katumbas ng isang buwan. Isang araw na di malilimutan dahil ito ay kumitil ng mahigit 200 katao at marami pa ang hindi natatagpuan.
Tinawag ang bagyong ito na bagyong ondoy, sinasabing napakatagal na panahon na noong nangyari ang ganitong pag-ulan. Hindi lubos maisip ng lahat na magagawang palubugin ng bagyong ondoy kahit ang matataas na lugar. Wala talagang pinatawad ang bagyong ondoy, mayaman man o mahirap, maganda man ang bahay mo o isang simpleng barong barong lang. Nakakalungkot, nakakapanglumo. Hindi man kami naapektuhan dito sa lugar namin nakakabigat pa din talaga ng kalooban.
Sino nga ba talaga ang dapat sisihin sa pagbahang ito? Mayroon nga bang dapat sisihin? O talagang ganti ito ng kalikasan sa lahat ng kababuyan natin at pagdudumi natin sa ating paligid?
Maaring nating sabihin na nagkaroon ng matinding pagbaha dahil sa mga basurang ikinalat natin. Mga basurang itinatapon natin sa ilog, lawa o sapa. Mga maliliit na balat ng kendi na bumara sa kanal at na ipon ng napakatagal. Libo-libong basura na tayo din ang may gawa. Na naging sanhi ng pag-apaw ng mga ilog at di pagdaloy ng tubig.
Sinasabing kaya nagkaroon ng ganun katinding pagbaha ay dahil sa biglaang pagpapalabas ng tubig sa iba't ibang Dam nandyan na ang Anggat Dam, La Mesa Dam at iba pa. Naisip ko lang bakit hindi naglabas ng paunti unting tubig ang dam noong mga oras na mahina pa lang ang ulan o nag-uumpisa pa lang ang ulan? Bakit hindi naisip ng mga nagbabantay dun na maaring matagal pa bago matapos ang pag-ulan at may possibility na talagang umapaw ang mga dam? At bakit bigla nilang pinakawalan ang tubig sa dam? Napakaraming tanong sa isip ko na di ko alam kung masasagot ngayon. Pero, naisip ko din dapat nung una palang naisip na nila yung mga posibilidad na mangyayari. Kayo naisip niyo ba yun?
Mapapanood natin ngayon ang lahat ng resulta ng bagyong ondoy. Mababasa natin lahat ng mga naganap kahit saang parte ka ng Pilipinas at kahit saang parte ka pa ng mundo naroon. At sa tuwing nakikita ko yung mga taong namatay dahil sa sinusubukan nilang makaligtas but, unfortunately di sila nakaligtas. Napakaraming bata ang ngayon ay walang masilungan, walang masuot at maari rin naman ng wala ng magulang o kaya'y nawawala pa sa kasalukuyan. Mga matatanda na may karamdaman na sobrang nahirapan sa nasabing bagyo.
Ang tanging magagawa natin ngayon ay ang tumulong at ipagdasal ang kanilang kaligtasan. Lalo na ngayon na may dumating na naman na bagong bagyo si Bagyong Pepeng at sinsabing meron pang isa. Sana lang hindi na maulit yung nangyari nung nakaraan. Tama na ang isang beses na sakuna. Tama na ang mahigit 200 namatay at tama na ang mga putik na tumabon sa napakaraming bahay.
Tumulong tayong lahat. Kailangan ng mga taong nasalanta ni bagyong Ondoy ang tulong natin. Sa simpleng bagay makakatulong tayo. Damit, konting pagkain, mga kumot at iba pang mga magagamit ng mga taong nasalanta. Napakaraming nagugutom at isipin natin ang mga taong nasa evacuation center.
Magkaisa tayong lahat. At huwag mawalan ng pag-asa. Matuto tayong maglakad pasulong at huwag paatras. Harapin natin ang bukas ng may ngiti sa puso at isip. Lagi natin isipin na mayroon tayong Amang nasa Langit na nagmamahal sa atin at patuloy Niya tayong binabantayan at gabayan.
Let us all pause and pray. Thank Our Heavenly Father that we are still alive and we still have our loved ones beside us. And for those who lost their loved ones, Condolence but a death doesn't mean everything should STOP. Just move forward and pray and be thankful.
Bakit ka unfair?
Paano nga ba masasabing unfair ang isang tao?
Unfair ka din ba?
Bakit kaya may mga taong unfair? Unfair talaga di ba?
Maraming papuring sinasabi sayo. Tapos pagdating sa evaluation biglang bagsak pala?! Ang katwiran niya hindi ka kasi masyadong nakikipagkwentuhan sa kanila. Eh pano makikipag kwentuhan eh puro kabastusan naman ang pinag-uusapan nila! Maayos ka naman na nakikisama sa kanila pero pagdating sa behavior bagsak ka! Ha? what happen? Ano ba talaga ang basihan nila?
Paano nga ba siya nag come up ng ganung grade o score? Kailangan ba bastusin mo rin siya tulad ng ginagawa ng iba? Kailangan ba pag niyaya ka niya uminom ng alak kahit di ka umiinom iinom ka? Aba?! alisan daw ba ng dignidad ang tao?! Unfair talaga!
Masyado yatang pumasok sa utak mo na mataas ang posisyon mo? Masyado mo namang kinacareer yan. Naku! huwag kang ganyan. Baka pag bumagsak ka sobra kang masaktan! Isa pang pagkakamali at makakarating na yan sa nakatataas! Tsk.. Tsk.. Tsk..
May araw ka rin! Alam mo kung sino ka! Kung mabasa mo man to! Wala akong pakialam!
Blog Archive
- June 2012 (1)
- February 2011 (2)
- July 2010 (1)
- September 2009 (3)
- August 2009 (14)
- July 2009 (4)
- June 2009 (5)
- May 2009 (8)
- September 2008 (27)